WIKA. Ito ang nag-iisang kagamitan para maiugnay ang mga mamamayan
ng isang bansa upang magkaroon ng malakihang pagbabago tungo sa matuwid na
daan. Ang wika din ang nag-iisang instrumento upang magkaunawaan ang mga tao sa
mundo. Ito rin ang nag-iisang sandata upang magkaisa ang mga tao laban sa mga
suliranin ng isang bansa. Marami ang nagagawa nito upang mapabago ang isang
nasyon. Mula noon hanggang ngayon, ito pa rin ang bagay na kailanma’y hindi
mabubura sa mundo. WIKA. Ito rin ang susi na kapag ginamit ng husto ay
magsisilbing kayamanan ng isang bansa tungo sa ikakaunlad nito.
Sinasabi natin na ang wika ay siyang pagkakakilanlan ng isang
Lugar o bansa. Sa wikang ating ginagamit ay nalalaman ang lugar o bansang ating
kinabibilangan. Ang tema ngayong linggo ng wika ay “Wika natin ang daang
Matuwid”. Sa temang ito, ang wikang Filipino ay siyang ilaw tungo sa daang
matuwid. Ilaw na siyang nagsisilbing pang araw-araw na gabay sa atin, gumagabay
sa pagkakaunawaan ng mga taong Pilipino.
“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop
at malansang isda”. Ito kasabihan ni Dr. Jose Rizal na ating pambansang bayani.
Hindi ibig sabihin na sa mga iba’t ibang lenggwaheng natututunan natin ay
kakalimutan na natin ang sarili nating wika. Dapat ang sariling wika pa rin
natin ang dapat nating pagyamanin.
No comments:
Post a Comment